Loading...
  1. Dismiss Notice
  2. Dismiss Notice
  3. Dismiss Notice
  4. If this is your first visit, you may have to register before you can post: click the register link above to proceed. To start viewing messages, select the forum that you want to visit from the selection below.

Info Mga impormasyon sa mga events

Discussion in 'Filipino' started by Loki, Feb 28, 2016.

Thread Status:
Not open for further replies.
  1. Loki

    Loki I am madness and chaos! Forum Legend

    Joined:
    Jan 4, 2011
    Messages:
    1,408
    Likes Received:
    973
    Trophy Points:
    378
    Location:
    your deepest darkest fantasies!
    [​IMG]

    Magandang Araw mga Daeva!

    Malugod naming ipinapaalam sa inyo ang Filipino translations ng mga events na kadalasang ginagawa sa ating forums at laro.
    Kung meron kaung hindi maintindihan ng klaro sa ingles, maari nyong basahin ang mga translations nito sa thread na ito.

    PARAAN NG PAGSALI
    • Kada buwan ay inaanyayahan namin ang mga manlalaro na gumawa ng cover picture para sa ating pahina sa Facebook. Maaari kayong gumamit ng mga programa na pang-edit, imahe ng sarili ninyong karakter mula sa GamezAion o kahit anong imahe na nais ninyong gamitin basta't ito ay tungkol sa Aion, at dapat ay akma ang nilalaman o konteksto nito sa ating buwanang tema.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaaring lumahok maliban sa mga miyembro ng Gamez Aion staff.
    • Ang sukat ng imahe ay hindi dapat hihigit sa 851x315 pixels at ang ayos ay dapat JPG/PNG lamang.
    • Plagiarism o ang pagkuha at pag-angkin sa gawa ng iba ay mahigpit na ipinagbabawal! Ang inyong entry ay nararapat lamang na sarili mong gawa na tungkol sa Aion at dapat ay naaangkop sa ating buwanang tema.
    • Kung maaari lamang ay i-upload and inyong mga imahe gamit ang kahit ano sa mga sumusunod: Imgur/Photobucket/Tinypic bago isumite ang inyong entry.
    • Ang logo ng GamezNetwork ay dapat na ilagay sa inyong entry. Maaari ninyo itong i-download dito . Ang paglagay ng mga salitang "GamezNetwork" ay tatanggaping alternatibo kung ito ang inyong nais.
    • Ang pag-edit ay pinapayagan hanggang sa ilang saklaw ngunit paki-usap lamang na huwag sobrahan ang pag-edit.
    • Maaari kayong magsumite ng hanggang dalawang (2) entries.
    • Kayo ay kinakailangang magpakita ng katibayan ng inyong orihinal na trabaho upang makasigurado kami na ang inyong entry ay sarili ninyong gawa.
    • Kung sakaling may isa pang karakter sa inyong entry, ang taong nagsumite lang ng entry ang makakatanggap ng premyo.
    • Ang paggamit ng emotes, costumes o kasuotan ay malaking dagdag sa kabuuan ng inyong entry.
    • Hindi ninyo kailangang maging bihasa sa pag-edit ngunit kinakailangan naming makita na pinagpaguran at pinagtuunan ninyo ng oras at panahon ang inyong gawa.
    • Ang pagsali ng higit sa isang (1) forum account ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa inyong diskwalipikasayon.
    • Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran ay maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon at kagaya ng dati, mahigpit na ipinapatupad ang Black Strike System. Ang pagkamit ng tatlong (3) black strikes ay magiging sanhi ng inyong diskuwalipikasyon mula sa mga kaganapan o events sa hinaharap.
    PARAAN NGA PAGSALI
    • Ang mga imaheng makikita ang nagrerepresenta ng isang numero. Kailangan nyo lang pumili ng isang numero at i-post gamit ang format na ito

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Upang makasali, ang inyong account ay dapat isang buwan na o higit pa.
    • Ang pagsali gamit ang mahigit sa isang forum account ay magreresulta sa diskwalipikasyon.
    • Ang mga post na hindi umuugnay sa event ay buburahin.
    • Mga hindi naangkop na ugali ay maaring magresulta sa diskwalipikasyon.
    • Maaring sumali ang mga staff ng Gamez Aion
    • Ang mga premyo ay magiiba sa pagpapalit ng round.
    • Maaari kayong pumili ng kahit anong numero na gusto niyo kahit meron kayong kapareho.
    • Kapag umabot na ang post sa ika-X, ang event ay magsasara na.
    PARAAN NG PAGSALI
    • Ang event o kaganapang ito ay maihahalintulad sa Hide and Seek event na ginaganap sa loob ng GamezAion.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaaring lumahok kabilang ang mga miyembro ng Gamez Aion staff.
    • Upang makasali sa kaganapang ito, kinakailangang pumili ng inyong kapareha na makakasama ninyo sa pagpunta sa mga kinakailangang lugar.
    • Ang inyong tungkulin ay hanapin ang mga lugar kasama ang inyong kapareha. Ang mga Elyos ay kukuhanan lamang ang mga lugar sa Elysea at ang mga Asmodian naman ay kukuhanan lamang ang mga lugar sa Asmodae.
    • Kayo ay maaari lamang sumali sa isang faction o pangkat na inyong napili. Ang ibig sabihin nito ay kung ikaw ay sumali na gamit ang iyong Elyos, hindi ka na maaaring sumali gamit ang iyong Asmodian.
    • Lahat ng screenshots mula sa napiling faction ay kailangang ipaskil ng naaayon sa tamang pakakasunod-sunod.
    • Ang kahit anong pag-edit sa mga screenshots ay mahigpit na ipinagbabawal!
    • Bago isumite and inyong mga entry, siguraduhing i-upload muna ang mga larawan sa imgur.com; kung hindi ay hindi namin ito tatanggapin.
    • Nais naming ipaskil ninyo ang mga links ng inyong mga screenshots o di naman kaya'y ilagay ang mga imahe sa loob ng "Spoiler". Bawal ang pagpaskil ng mga album link!
    • MAHALAGANG PAALALA: Sakaling may nakalimutan kayong ilagay sa inyong mga entry kahit na ito ay maliit lamang na ditalye, kayo ay dapat na magpaskil ng panibagong post at hindi pwede ang paggamit ng "Edit" dahil ito ay magreresulta sa inyong diswalipikasyon.
    • Lahat ng mga screenshots sa inyong post ay dapat na kinunan ng iisa at parehong tao lamang. Tiyaking makikita sa bawat screenshot ang inyong karakter kasama na din ang karakter ng inyong kapareha.
    • Sa pagkakataong kayo ay manalo, ikaw at ang iyong kapareha ay parehong makakatanggap ng premyo.
    • Ang mga forum account na nilikha sa kaparehong araw o ang araw matapos ipaskil ang event na ito ay hindi maaaring sumali. Upang sumali, kinakailangang magkaroon muna ng hindi baba sa 20 posts ang forum account.
    • Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran ay maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon at kagaya ng dati, mahigpit na ipinapatupad ang Black Strike Sytem. Ang pagkamit ng tatlong (3) black strikes ay magiging sanhi ng inyong diskuwalipikasyon mula sa mga kaganapan o events sa hinaharap. Basahin ito para sa karagdagang impormasyon.
    PARAAN NG PAGSALI
    • Ito ay weekly o lingguhang kaganapan kung saan inaatasan namin kayong gumawa ng signature na naaayon sa napiling tema.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Ang pagsali ng higit sa isang (1) forum account ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa inyong diskwalipikasayon.
    • Plagiarism o ang pagkuha at pag-angkin sa gawa ng iba ay mahigpit na ipinagbabawal! Ang inyong entry ay nararapat lamang na sarili mong gawa na tungkol sa Aion at dapat ay naaangkop sa ating buwanang tema.
    • Kayo ay kinakailangang magpakita ng katibayan ng inyong orihinal na trabaho upang makasigurado kami na ang inyong entry ay sarili ninyong gawa.
    • Ang sukat ng imahe ay hindi dapat liliit sa 400x100 px at hindi hihigit sa 500x250 px.
    • Ang ayos o format ay maaaring JPG/.PNG/.GIF
    • Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran ay maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon at kagaya ng dati, mahigpit na ipinapatupad ang Black Strike Sytem. Ang pagkamit ng tatlong (3) black strikes ay magiging sanhi ng inyong diskuwalipikasyon mula sa mga kaganapan o events sa hinaharap. Basahin ito para sa karagdagang impormasyon.
    PARAAN NG PAGSALI
    • Sa kaganapang ito, kayo ang kailangang magsumite ng isang imahe na may kasamang isang maikling talata na may kinalaman sa Aion at sa napiling tema.
    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaaring lumahok maliban sa mga miyembro ng Gamez Aion staff.
    • Kayo ay pinahihintulutang magsumite ng tig-isang imahe + talata kada tao.
    • Ang inyong entry ay dapat lamang na sarili ninyong gawa, gamit ang isang buong screenshot na inyong kinuha mula sa Gamez Aion, gamit ang inyong sariling karakter.
    • Ang disisyon ng Gamez Aion staff ay mababase sa mga sumusunod na bagay: scenery o ang senaryo kung saan naroon ang inyong karakter, pose o ang anyo ng karakter, creativity o pagkamalikhain, komposisyon ng imahe, at pati na rin ang talata na inyong isusulat.
    • Maaaring magsama ng ibang karakter sa inyong screenshot kung kinakailangan ngunit sa panahon ng pagkapanalo, ang makakatanggap lamang ng premyo ay ang taong nagpaskil.
    • Plagiarism o ang pagkuha at pag-angkin sa gawa ng iba ay mahigpit na ipinagbabawal! Ang inyong entry ay nararapat lamang na sarili mong gawa na tungkol sa Aion at dapat ay naaangkop sa ating buwanang tema.
    • Ang pag-edit ay pinapayagan hanggang sa ilang saklaw ngunit paki-usap lamang na huwag itong sobrahan. Maaaring i-edit ang mga simpleng bagay tulad ng colors o mga kulay, brightness o tingkad ng mga kulay, atbp. Ipinagbabawal ang super fancy effects o ang mga masiyadong magara na pag-edit tulad ng paggamit ng renders, shapes, atbp. pati na rin ang pag-edit ng karakter at paggamit ng ibang background.
    • Ang karakter at ang background ay dapat na makuhanan ng sabay mula sa Gamez Aion. Nais naming makita ang mga entries na may simple at natural na pagka-edit.
    • Pinapayagan kayong i-edit ang inyong mga entry habang ang event ay tumatakbo pa.
    • Ang pagsali ng higit sa isang (1) forum account ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa inyong diskwalipikasayon.
    • Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran ay maaaring magresulta sa diskuwalipikasyon at kagaya ng dati, mahigpit na ipinapatupad ang Black Strike Sytem. Ang pagkamit ng tatlong (3) black strikes ay magiging sanhi ng inyong diskuwalipikasyon mula sa mga kaganapan o events sa hinaharap. Basahin ito para sa karagdagang impormasyon.
    PARAAN NG PAGSALI
    • Sundan ang tamang daan mula sa umpisa ng labirint hanggang sa tuluyang makalabas dito. Ang pinakamabilis na nagpadala ng tamang sagot ay ang magwawagi.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaring sumali sa paligsahang ito, maari din ang mga staff ng Gamez Aion.
    • Isang (1) manlalaro lng ang mananalo sa bawat paligsahan.
    • Kailangan ipadala ang inyong sagot sa pamamagitan ng pribadong mensahe sa punong-abala.
    • Maaari kayong manalo sa larung ito ng X beses.
    • Paraan ng pagpapadala ng pribadong mensahe ay ang sumusunod:
    (kakulangan sa detalye ng iyong pribadong mensahe ay magreresulta sa pagkakadiskwalipika at di pagpansin ng inyong entry. Halimbawa: titulo ng mensahe)
    • Ang mga inedit na mensahe ay hindi tatanggapin. Kung may nakalimutan kayo o may inayos kayo sa inyong sagot ay kailangan niyong ipadala ulit bilang isang panibagong mensahe.
    • Bawal ang paggamit ng kahit anong paraan ng pandaraya o third-party software para makuha ang sagot. Gamitin ang inyong talino at galing upang lutasin at tapusin ito.
    • Bawal ang attachments sa mensahe. Kailangan niyong i-upload ang inyong sagot sa isa sa mga kahit anong website na ito: IMGUR/PHOTOBUCKET/TINYPIC.
    • Ipinagbabawal ang pagsali sa palarung ito gamit ang mahigit sa isang forum account. Kapag nahuli, kayo ay hindi na papayagang sumali pa sa susunod na round pagkatapos ninyong manalo, kayo ay madidiskwalipika kaagad, mabibigyan ng Black Strike at hindi ibibigay ang iyong napalanunan.
    • Ang hindi pagsunod sa mga patakarang nabanggit ay maaring magresulkta sa inyong diskwalipikasyon at maaring mabigyan ng Black Strike at hindi na kayo maaring sumali sa mga susunod pang mga palaro.

    PARAAN KUNG PAANO I-EDIT ANG MAZE
    • Gamit ang inyong mouse, i-right click ang imahe ng maze at piliin ang “Save image as…”.
    • Pumili ng lokasyon kung saan ninyo gustong i-save ang imahe.
    • Puntahan ang folder kung saan ninyo na-save ang imahe at i-right click at piliin ang “Edit” o buksan ang imahe gamit ang isang editing software na gusto ninyo (photoshop, paint, etc.).
    • Gumamit ng lapis o brush para tapusin ang maze. Siguraduhing gumamit ng ibang kulay maliban sa itim para makita ang inyong ginagawa.
    • Maaari niyo ring palitan ang kapal ng gamit na brush para mas madali.
    • Pagkatapos sagutan ang maze, i-save ito at i-upload sa imgur.com / photobucket.com / tinypic.com o kung saan kayo komportable.
    PARAAN NG PAGSALI
    • Piliin ang pinakamaganda at paborito mong karakter at damitan, pagandahin at pagarbohin niyo ito. Kunan ng litrato at i-edit ang inyong mga kuha. Lagyan ng text o ibang pagpapaganda ito.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Bawat isang tao ay pwedeng magpost ng X screenshot.
    • Ang paggamit ng costumes, emotion cards at magagandang tanawin ay makakatulong ng malaki sa inyong entry.
    • Ang pagsali gamit ang mahigit sa isang forum account ay magreresulta sa diskwalipikasyon.
    • Ang panggagaya or pangongopya ng entry ay magreresulta sa diskwalipikasyon at mabibigyan kayo ng Black Strike. Mga palatuntunin sa pagbigay ng Black Strike.
    PARAAN NG PAGLALARO
    • Ito ay isang napapanahong paligsahan kung saan kayo ay dapat gumawa ng isang karakter ng tanyag na tao na iyong napili na ipinanganak sa binigay na kapanahunan.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaaring sumali, maliban sa mga staff ng Gamez Aion.
    • Bawal mangopya. Dapat ang inyong entry ay orihinal at ikaw mismo ang gumawa.
    • Ang inyong entry ay dapat kuha ng iyong tauhan sa laro na ginawa mo, dapat kahawig ng tanyag na taong iyong napili na ipinanganak sa mga ibibigay na buwan. (Dito niyo maaaring makita ang mga kaarawan ng mga tanyag na tao)
    • Tandaan, ang mga tanyag na tao ay isang sikat na tao kagaya ng mga artista, musikero, manlalaro at sikat na imahen, atbp. Sila dapat ay kilala sa buong mundo o sa kani-kanilang larangan.
    • Maaaring ayusin ang inyong imahe ng kaunti, ngunit huwag sobrahan. Mas simple, mas maganda.
    • Ang mga entry ay dapat may kasamang screenshot habang ginagawa ang karakter (Huwag itong i-edit at kailangang isama sa inyong entry bilang “Spoiler” at patunay ng inyong gawa.
    • Maaari kayong magbigay ng hanggang DALAWANG screenshot ng isang tanyag na tao, ang isa ay maaaring kuha ng mukha.
    • Kung mapansin na madami kang ginawang pagbabago sa iyong screenshot (renders atbp), ikaw ang sasabihang baguhin o palitan ang iyong entry. Kung di mo papalitan, ito’y hindi tatanggapin.
    • Maging malikhain, gumamit ng emotion cards, magarbong damit o kahit anung bagay na magpapaganda sa iyong nilikha.
    • Kung ang inyong napiling artista ay hindi pinanganak sa mga buwan na binigay, ito’y ipapabago sa'yo.
    • Ang mga premyo ay ipapadala sa account na ibinigay ninyo, kaya maaaring gumawa ng bagong account kung puno na ang pangunahing account nyo.
    • Gamitin ang galing! Bawal ang mga nanloloko lang.
    • Kung ang entry na ipinasa mo ay tama at naaayon sa patakaran, bibigyan ko ito ng “Like” upang mapakita na tama ang iyong ginawa. (Kung hindi, sasabihan kayong baguhin ito)
    • Ipinagbabawal ang pagsali sa palarung ito gamit ang mahigit sa isang forum account. (Kapag nahuli, kayo ay hindi na papayagang sumali pa sa susunod na round pagkatpos ninyong manalo, kayo ay madidiskwalipika kaagad, mabibigyan ng Black Strike at hindi ibibigay ang iyong napalanunan.)
    • Ang hindi pagsunod sa mga patakarang nabanggit ay maaaring magresulta sa inyong diskwalipikasyon at maaaring mabigyan ng Black Strike at hindi na kayo maaaring sumali sa mga susunod pang mga palaro.
    MGA PARAAN NG PAGSALI
    • Una, kailangan hanapin ang mga tamang salita na pinaghalo-halo at ilagay ang tamang sagot sa tamang posisyon. Isang kahon, isang letra.
    • Kasing dami ng linya ang mga letra. Kung may kulang o sobra, ibig sabihin mali ang inyong solusyon.
    • Punuin ang mga espasyo. Huwag sulatan ang linya. Inuulit ko. Isang kahon, isang letra.
    • Itugma sa bawat sulat na minarkahan sa pamamagitan ng isang numero sa kanilang mga numero sa mga salita sa ibaba upang makuha ang hinahanap na salita.
    • Ang mga salita ay galing lamang sa Aion at ang bilang ng salita ay magbabago sa bawat round.
    • Kung ang hinahanap na salita ay may kaparehong resulta, magbibigay ako ng palatandaan para mawala ang isang salita.
    • Ang mga oras kung kailan ilalabas ang puzzle ay magiiba araw-araw para mapunan ang pagkakaiba sa oras ng bawa’t bansa.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGSALI
    • Lahat ay maaaring sumali sa paligsahang ito, maaari din ang mga staff ng Gamez Aion.
    • Ang mga itinamang salita ay dapat walang mali sa spelling para ito’y tanggapin. Kapag may mali sa iyong spelling kahit isang letra, hindi tatanggapin ang iyong entry.
    • ISANG manlalaro lang ang mananalo sa bawat paligsahan at ito ay kung sino ang pinakamabilis na magpadala ng tamang sagot sakin.
    • Upang makasali, meron ka dapat minimong 20 o mahigit pang post sa forums at ang iyong account ay mahigit isang linggo ng nagawa bago magsimula ang event. Hindi tatanggapin ang mga entry kung hindi naabot ang mga kaukulang account requirements.
    • Bawal mangopya at bawal magpasa ng puzzle na hindi ikaw ang gumawa. Kung ikaw ay sasali, gawin mo ang puzzle ng walang pangongopya.
    • Ipinagbabawal ang pagsali sa palarung ito gamit ang mahigit sa isang forum account. (Kapag nahuli, kayo ay hindi na papayagang sumali pa sa susunod na round pagkatpos ninyong manalo, kayo ay madidiskwalipika kaagad, mabibigyan ng Black Strike at hindi ibibigay ang iyong napalanunan.)
    • Kailangan ipadala ang iyong sagot sa pamamagitan ng pribadong mensahe sa punong-abala.
    • Kung may mali kaung nakita sa inyong ginawa, hindi ninyo maaaring i-edit ang mensahe niyo.
    • Ang mga na-edit na mensahe ay hindi tatanggapin, kung may nakalimutan kayo or may inayos kayo sa inyong sagot ay kailangan niyong ipadala ulit bilang isang panibagong mensahe.
    • Kung na-edit niyo ang mensaheng pinadala niyo, hindi ito tatanggapin at ito’y hindi papansinin.
    • Bawal ang paggamit ng kahit anong paraan ng pandaraya o third-party software para kumuha ng sagot. Gamitin ang inyong talino at galing upang tapusin ito.
    • Bawal ang attachments sa mensahe. Kailangan niyong i-upload ang inyong sagot sa isa sa mga kahit anong website na ito: imgur.com / photobucket.com / tinypic.com
    • Ang hindi pagsunod sa mga patakarang nabanggit ay maaaring magresulta sa inyong diskwalipikasyon at maaaring mabigyan ng Black Strike at hindi na kayo maaring sumali sa mga susunod pang mga palaro.

    PARAAN KUNG PAANO I-EDIT ANG PUZZLE
    • Gamit ang inyong mouse, i-right click ang imahe ng puzzle at piliin ang “Save image as…”.
    • Pumili ng lokasyon kung saan ninyo gustong i-save ang imahe.
    • Puntahan ang folder kung saan ninyo na-save ang imahe at i-right click at piliin ang “Edit” o buksan ang imahe gamit ang isang editing software na gusto ninyo (photoshop, paint, etc.)
    • Gumamit ng text tool para sagutan ang puzzle.
    MGA PARAAN NG PAGSALI
    • Magkakaroon ng labindalawang (12) manlalaro mula sa Elyos at labindalawang (12) manlalaro mula sa Asmodian.
    • Ito ay magiging PvPvE event na nangangailangan ng koordinasyon, pagkakaisa, at pokus upang magtagumpay.
    • Ang event na ito ay gaganapin sa Dredgion map at ang bawat koponan ay magkakaroon ng tig-tatlong (3) magkakaparehong mga boss. Ang layunin ng bawat koponan ay sakupin o patayin ang mga boss at maging koponan na may nagawang pinakamataas na pinsala sa pinaka huling boss.
    • Ang mga miyembro ng isang koponan ay inaasahang magtulungan at magkaisa upang magtagumpay sa kanilang mga layunin (Pagpuksa sa mga boss, pagpuksa sa huling boss, PvP)
    • Sa huling boss o kahit bago umabot sa huling boss, ang parehong koponan ay lalabanan ang isa't isa at ang matitirang koponan ay siyang maaaring magpatuloy sa pagtalo sa huling boss o magtala ng pinakamataas na pinsala sa nasabing boss para manalo.
    • Magkakaroon ang event na ito ng walong (8) rounds, dalawang beses sa isang buwan. Ito ay tatagal lamang ng apat (4) na buwan.

    MABUSISING PAGTALAKAY SA MGA PARAAN NG PAGSALI
    • Ang lugar na paggaganapan ng event na ito ay tinatawag na Dredgion.
    • Ang bawat koponan ay magsisimula sa Escape Hatch (Elyos) at Secondary Escape Hatch (Asmodians). Ang mga boss ay nakaposisyon sa gitna ng Primary Armory at Backup Armory, Engine Room at Auxiliary Power, at Weapons Deck at Lower Weapons Deck rooms.
    • Sa itaas ay ang unang silid (Primary Armory/Backup Armoy). Sa mga silid na ito, makikita ng mga manlalaro ang unang boss.
    • Sa itaas din matatagpuan ang ikalawang silid (Engine Room/Auxiliary Power). Sa mga silid na ito, makikita ng mga manlalaro ang ikalawang boss.
    • Sa mga huling silid bago ang Captain's Cabin (Weapons Deck/Lower Weapons Deck) matatagpuan ang ikatlong boss na kinakailangang talunin ng mga koponan.
    • Sa loob ng Captain's Cabin makikita ang pinakahuling boss na kailangang harapin ng mga manlalaro. Ang koponan na makakatalo sa huling boss at makakakuha ng loot ay ang siyang tatanghaling panalo.
    • Ang Brig room at Secondary Brig ay mananatiling walang laman upang magamit nga mga koponan sa paghahanda sa patalo at pagpatay sa huling boss at para na rin sa PvP.

    MGA ALITUNTUNIN SA PAGLAHOK
    • Lahat ay maaaring lumahok kabilang ang mga miyembro ng Gamez Aion staff.
    • Ang isang karakter ay maaari lamang sumali ng isang beses sa loob ng apat (4) na linggo na may kabuuang tatlong (3) beses. Nangangahulugan na ang bawat manlalaro ay maaari lamang sumali ng hindi hihigit sa tatlong(3) beses. Pagkatapos ng ikatlong pagsali, hindi na kayo pahihintulutang sumali muli sa karakter na iyon. Ang ibig sabihin nito ay hindi na maaaring sumali muli sa susunod na round sakaling makapasok kayo sa unang round.
    • Ang parehong koponan ay kailangang talunin ng isa-isa ang mga boss upang makapagpatuloy sa susunod na boss.
    • Sakaling ang isang miyembro ng isang koponan ay lumaktaw ng boss, ito ay magreresulta sa diskwalipikasyon ng nasabing manlalaro at aalisin siya mula sa Dredgion.
    • Ang mga Ready Rooms (Ready Room 1/ Ready Room 2) at Barracks ay pinagbabawalang pasukin nga mga manlalaro kapag nagsimula na ang event. Ang paglabag sa patakarang ito ay magreresulta sa diskwalipikasyon.
    • Matapos patayin ang ikatlong (3) boss, ang bawat koponan ay maaaring magdisisyon kung lalabanan nila ang kabilang koponan o didirecho na sila sa Captain's Cabin upang talunin ang huling boss.
    • Sinumang mamatay sa kalagitnaan ng event ay maaaring buhayin ng mga miyembro ng kaniyang koponan. Kung ang manlalaro ay hindi binuhay sa loob ng limang minuto matapos mamatay, ang nasabing manlalaro ay tatanggalin na mula sa event. Lahat ay pinahihintulutang gumamit ng self ressurection o ang paraan ng pagbuhay sa sarili.
    • Pinapayagan ang paggamit ng DP at anumang uri ng scrolls.
    • Anumang uri ng masamang asal, pagwawalang-bahala para sa mga patakaran ng server o kabiguan sa pasunod sa mga patakaran ng event ay magreresulta sa agarang diskwalipikasyon mula sa event na ito at maaaring sa mga susunod pang mga event.
    • Anumang paninirang puri patungkol sa Aion Master ay magreresulta sa agarang diskwalipikasyon mula sa event.

    MGA PARAAN KUNG PAANO SUMALI
    • Isang thread ang ipapaskil sa forums na naglalaman ng petsa, oras, at iba pang detalye tungkol sa event na ito tulad ng mga patakaran at mga pangalan ng mga nagwagi mula sa huling round.
    • Ito ay i-aannounce sa loob ng laro. Ang AM na punong-abala sa event ay hihingi ng tig labindalawang (12) pangalan mula sa magkabilang faction o pangkat.

    Nawa'y makatulong sa inyo ang mga ito sa mga events natin sa mga susunod na buwan.
    Maraming Salamat kay @Kyungmii sa pagtulong sa pagtranslate ng mga impormasyong ito.

    Para sa ibang mga katanungan, maari kaung magpadala ng pribidong mensahe sa inyong mga Filipino AMs at Moderator.
    @Kyungmii, @Shelo, @Zannova, @Loki
     
    Homicide, Patatas, Shelo and 6 others like this.
Thread Status:
Not open for further replies.

Share This Page