Loading...
  1. Dismiss Notice
  2. Dismiss Notice
  3. Dismiss Notice
  4. If this is your first visit, you may have to register before you can post: click the register link above to proceed. To start viewing messages, select the forum that you want to visit from the selection below.

Must Read Mga Patakaran ng GamezAion Server

Discussion in 'Filipino' started by Finaldestiny, Feb 9, 2015.

Thread Status:
Not open for further replies.
  1. Finaldestiny

    Finaldestiny Lead by Example Forum Legend

    Joined:
    Feb 18, 2013
    Messages:
    429
    Likes Received:
    307
    Trophy Points:
    318
    Location:
    Philippines
    Patakaran sa Forum:
    Ang mga patakaran sa forum ay matatagpuan sa link na ito: Forum Rules and Policies

    Mga Patakaran sa Laro (Siel at Lumiel)
    I. Pangkalahatang Panuntunan

    • Ipinagbabawal ang paggamit ng cheat, automatic software, hack, at kung ano pang third-party software na maaring bumago sa kung paano gumana ang laro (lalo na ang mga software na nagpapabilis at nagpapalakas ng character) maliban na lang kung may pahintulot ng Gamez Network.
    • Bawal abusohin, gamitin at ipagkalat sa ibang manlalaro ang mga bug para sa personal na pakinabang. Pag may nakitang bug, maaring ipagibay-alam sa staff.
    • Tala: Kung sa tingin mo ay sobrang nakaka sira ng laro ang bug na iyong natuklasan, maaring ipagbigay -alam kay @Alente o @Carl o sa ating Head GM / Super Mod (Kasalukuyan: @Puddles at @Illusions)
    • Bawal mag login sa higit sa isang personal na account upang isali ang mga character sa event. Pwedeng gawin ito basta't hindi isasali sa event ang higit sa isang character.
    • Bawal makipag talo sa staff member na nagpataw ng parusa habang nasa laro. Pwedeng umapila sa ban system na matatagpuan sa link na ito: Ban System kung saan pwedeng magpaliwanag.
    • Bawal magkalat ng chismis at paninirang puri ukol sa server o sa sino mang myembro ng staff.
    • Dapat i galang at respetuhin ang bawat manlalaro. Bawal ang mandaya, mang harass at pagbabanta.
    • Bawal magpanggap na GM o sino mang myembro ng staff.
    • Bawal baguhin ang alin mang parte ng GamezAion client nang walang pahintulot mula sa staff. Ang paggamit ng ibang voice pack at item.pak ay hindi sakop ng patakarang ito.
    • Bawal ang bumili at magbenta ng item mula sa ibang players gamit ang totoong pera.
    • Bawal bumuto para makakuha ng credits gamit ang maraming account.
    • Bawal gumawa ng grupo o maging myembro ng grupo na naninira sa ibang lahi, kasarian, relihiyon at iba pa.
    • Bawal mag spam, kabilang dito ang trade spam.
    • Bawal magmaka awa para maka kuha ng item o kinah.
    • Bawal mang scam
    • Bawal mag hikayat na mag laro sa ibang private server ng aion.
    • Spawn-Camping: Pwedeng pumatay sa obelisk ngunit bawal ang sobrang pag aabang dahilan upang di na makapaglaro ang ibang player at mag log out.
    II. Mga Tip
    • Ikaw ang responsable sa iyong account. Hindi kami mang hihingi ng iyong username o password. Hindi mananagot ang staff pag na hack ang iyong account. Hindi namin papalitan ang mga item na na hack kung ang player mismo ay hindi sinisiguro ang security ng kanilang account.
    • Huwag mong ipamigay ang iyong username at password sa kahit kanino, lalo na kung di mo kilala ang tao sa tunay na buhay. Hindi kami mananagot pag nanakaw ang iyong account.
    • Ang pag access sa mga website na may illegal na laman ay pwedeng maging sanhi upang ma hack ang iyong account kahit walang kang na download mula sa site na iyon.
    III. Batas
    • Bawal ang pag hack sa ano mang computer o server na gamit ng GamezNetwork. Ano mang pagsubok na gawin ito ay may ukol na parusa.
    • Bawal manghikayat na labagin ang batas ng alin mang bansa.
    • Ang mga alituntunin kung pano kumuha ng proweba ang matatagpuan dito: How to Gather Quality Proof
    Tumataas na ban (Temporary to Permanent)
    I. Pag papalitan ng Abyss Points o Glory Points

    • Pag na huli sa aktong nag papalitan ng Abyss Points o Glory Points gamit ang sariling character o sa kaibigan.
      • Unang Pagkakasala - Kukunin ang lahat ng AP at GP at i baban ng 12 oras.
      • Ikalawang Pagkakasala - Kukunin ang lahat ng AP at GP at i baban ng 24 oras.
      • Ikatlong Pagkakasala - Permanenteng Ban
    II. Pambabastos / Racism / Iba pang nakakainsultong lengwahe
    (Nangangailangan ng matibay na proweba)
      • Unang Pagkakasala - Aabot ng hanggang 12 oras na ban
      • Ikalawang Pagkakasala - 12 hanggang 48 oras na ban
      • Ikatlong Pagkakasala - 7 araw na ban
      • Ika-apat na Pagkakasala - Permanent Ban
    III. Paggamit ng Bot
      • Unang Pagkakasala - 3 araw na ban
      • Ikalawang Pagkakasala - Permanent ban
    IV. Bug Abuse
    • Paglipad sa map na naka disable ang flight, pag tira kahit may line of site o pag pull sa gate, di ma target, di tinatablan ng damage, AoEs sa safe zones o boss hunt, atbp.
      • Unang Pagkakasala - 12 oras na ban
      • Ikalawang Pagkakasala - 48 oras na ban
      • Ikatlong Pagkakasala - 7 araw na ban
      • Ika-apat na pagkakasala - Permanent ban
    V. Pagnanakaw ng Item
    • Pag na huli sa aktong nag nanakaw ng item sa isang boss hunt.
      • Unang Pagkakasala - 7 araw na ban
      • Ikalawang Pagkakasala - 14 araw na ban
      • Ikatlong Pagkakasala - Permanent ban
    VI. Free For All
    • Pag na huli sa aktong nag tatambal sa ffa.
      • Unag Pagkakasala - 12 oras na ban
      • Ikalawang Pagkakasala - 48 oras na ban
      • Ikatlong Pagkakasala - 7 oras na ban
      • Ika-apat na pagkakasala - Permanent ban
    Permanenteng Ban
    I. Pag kopya ng Item gamit ang third party software o bug

    • Pag nahuling nagpapaturo o nag tutoro kung pano mag dupe.
    • Pag nahuling may dupe na item.
    II. Pag scam
    • Pag nahuling nang scam o nag tangkang mang scam.
    III. Speed hack / damage hack / Walang animation / atbp
    • Pag ni report at napatunayang hacker.
    IV. Pang hihikayat na maglaro sa ibang server ng aion
    • Pag nahuling nang iimbeta na maglaro sa ibang private server ng aion.
    V. Pag papanggap na GM
    • Pag nahuling nag papanggap na GM.
    • Gumagamit ng pangalan na may <HeadGM>,<SeniorAM>,<AM>,<TraineeAM>
    • Ginagaya ang pangalan ng GM.
    VI. Pag bebenta ng item o account gamit ang totoong pera.
    • Pag nahuling nag bebenta o bumibili ng item mula sa ibang player gamit ang totoong pera.
     
Thread Status:
Not open for further replies.

Share This Page