Loading...
  1. Dismiss Notice
  2. Dismiss Notice
  3. Dismiss Notice
  4. If this is your first visit, you may have to register before you can post: click the register link above to proceed. To start viewing messages, select the forum that you want to visit from the selection below.

Must Read Mga Tuntunin at Patakaran ng Forum

Discussion in 'Filipino' started by Kyungmi, May 7, 2015.

Thread Status:
Not open for further replies.
  1. Kyungmi

    Kyungmi ♥♥♥ Forum Legend

    Joined:
    May 20, 2014
    Messages:
    749
    Likes Received:
    1,176
    Trophy Points:
    358
    Mga Tuntunin at Patakaran ng Forum
    Ang paggamit at paglahok sa forums ng Gamez Network ay nababatay ayon sa pagtanggap ng mga sumusunod na tuntunin at patakaran. Sa aktibong partisipasyon sa komunidad na ito, ipinapahayag ng user ang kaniyang pagtanggap sa mga nasabing tuntunin. Paki-usap lamang na basahin at intindihing mabuti ang mga patakaran at regulasyon bago mag-post. Ang ating forums ay narito upang himukin ang pagpapatibay ng komunidad, at para sa mga manlalaro na magtipun-tipon at makihalubilo sa isa't-isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon.

    Upang matiyak ang patuloy na pag-asenso at tagumpay, isinulat ang nasabing mga patnubay upang ang mga partisipante sa Gamez Network forums ay maintindihan kung anu-ano ang mga hindi katanggap-tanggap na pag-uugali na maaring magresulta sa isang pansamantalang suspensyon o permanenteng ban ng parehong forum account at marahil ang account na rin sa paglalaro.

    Magalang na Pag-uugali:
    Saklaw nito ang pagrespeto sa kapwa user at respeto para sa kawani o staff ng Gamez Network. Ang mga Administrador at mga Tagapamagitan o Moderators ay mabuti at maiging nagtrabaho para sa komunidad na ito, kaya ipinapakiusap namin ang pagbibigay ng respeto para sa kanilang mga pagsisikap. Ang kawalang-galang sa pakikipag-usap sa mga administrador at mga tagapamagitan ay hindi kukunsintihin.
    • Ang hindi pagtugon at hindi pagpansin sa mga babala o warnings na mula sa mga miyembro ng kawani o staff members ay mag-reresulta sa tiyak na suspensyon.
    • Ang pang-iinsulto sa katauhan o persona ng ibang users ay mahigpit na ipinagbabawal. Ito ay partikular na tumutukoy sa kahit anong text/post na direktang umaatake sa ibang tao sa loob man o labas ng forums, lalung-lalo na kung ito ay tumutukoy sa katauhan ng isang tao sa personal na pamamaraan. Kung mayroong isyu laban sa isang kawani o miyembro ng forum, maaari lamang na iparating ito agad sa miyembro ng kawani na may pinakamataas na ranggo sa komunidad (highest ranked staff members of this community).
    • Ang pag-type gamit ang all CAPS ay itinuturing na pagsigaw o "shouting". Papaki-usapan ka ng staff na i-edit mo ang iyong post o ito ay tatanggalin.
    • Ang patuloy na pagbaliwala sa mga patakaran at regulasyon ng forums ay hahantong sa pagtanggal o pagbawi ng iyong mga pribilehiyo sa pag-post o maaari ding ma-ban ang iyong account.
    • Ang paglikha ng maraming forum accounts ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang mga kawani ay gagawa ng agarang aksyon na wala kahit isa mang babala sa kasong ito.

    Pandaraya o cheating:
    • Mangyari lamang na HUWAG mag-post ng links sa mga hacks, cheats, o anumang pwedeng mapagkukunan sa mga ito. Ang paggawa nito ay magreresulta sa isang agarang ban.

    Mga patakaran sa pag-post:

    • Ang spamming sa forums ay mahigpit na ipinagbabawal. Mayroon tayong nakatalagang Hot Spam section para lamang dito, kaya pakiusap na mag-post ng spam sa seksyon na ito lamang. Ikaw ay bibigyan ng babala o warning kung ang aktibidad na ito ay makikita sa labas ng naturang seksyon at ikaw ay maaaring patawan ng suspensyon kung hindi ka hihinto sa nasabing gawain.
    • Ang mga off-topic posts o ang pagpapahayag ng opiniyon na hindi naaayon sa paksa ay ipinagbabawal. Ang anumang off-topic posts ay tatanggalin pati na rin and mga tugon sa naturang off-topic post. Ang labis na pag-post ng mga off-topic na pahayag/opinyon ay hahantong sa agarang suspensyon. Tandaan na may ilang mga paksa na hindi angkop para sa forums. Ang forums ay hindi lugar para sa mga pribadong pag-uusap. Mangyari lamang na gamitin ang private messaging service para mga pribado/personal na pag-uusap.
    • "Relevant Conversation" o makabuluhang pag-uusap. Bago mag-post, laging tandaan na may tamang oras at lugar para sa lahat. Mangyari lamang na huwag lumihis sa pangunahing topic o paksa ng forum.
    • Ang topic "hijacking" ay hindi pinahihintulutan. "Hijacking" ay ang pagtatanong ng pansariling katanungan sa thread ng ibang tao. Mangyari lamang na magbukas ng bagong thread kung mayroon kang pansariling katanungan.
    • "Quality Content" o kalidad ng nilalaman. Magpost lang ng mga komento at paksa na may kaugnayan sa komunidad. Ang mga posts na may kakulangan ng anumang diwa tulad ng "nice " o "awesome" ay tatanggalin bilang ang nasabing mga salita ay itinuturing na post spamming.
    • Ang advertising ay hindi pinapayagan. Advertising o pag-anunsiyo ng iba pang mga boards ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang advertising ng anumang uri sa forums ay aalisin at papatawan ng karampatang parusa.
    • Mga patakaran sa Gamez Aion marketplace ay makikita dito : link

    Personal na Impormasyon:

    • Ang mga partisipante ay hindi dapat mag-post ng mga mensahe na naglalaman ng personal na impormasyon kabilang, ngunit hindi limitado, sa buong pangalan, address ng tahanan , email address o numero ng telepono sa mga pampublikong lugar.

    Hindi nararapat na nilalaman:

    Ang anumang paggamit ng hindi naaangkop na nilalaman o inappropriate content ay hindi pinahihintulutan. Kabilang dito ang mga drama threads at mga pagtatangka na maaaring maging sanhi ng drama. Anumang hindi naaangkop na nilalaman ay tatanggalin. Kung kinakailangan ng kawani ng Gamez Network, ang user ay maaaring suspendihin o patawan permanenteng ban.
    • Ang paggamit ng hindi naaangkop na nilalaman ay hindi pinahihintulutan. Kabilang dito ang mga, ngunit hindi limitado sa, statements, larawan o images, usernames, at salita na may katangiang sekswal, bulgar, malaswa, bastos, mapanirang-puri, abusado, may muhi o hateful, panatiko, o kahit anumang salita na nakakasakit sa iba; mga lingid o lihim na salita na nagpapahiwatig ng kabastusan (paggamit ng alternatibong mga titik / simbolo); mga panliligalig at pambabatikos na may layon na maliitin, manghiya, takutin, o magdulot ng kahihiyan sa ibang miyembro; at materyal na nagtataguyod o tumatalakay sa ilegal na mga gawain.
    • Pag-post ng pornography, racist o di kaya'y mga salita na nagpapahiwatig ng diskriminasiyon, mga pagbabanta na maaaring maging sanhi ng pisikal o mental na pinsala, matinding nakakasakit na salita, materyal na lumalabag sa anumang batas o di kaya'y lubos na hindi katanggap-tanggap na mga post o mga link sa web pages na naglalaman ng mga nabanggit na materyal, ay magreresulta sa isang agarang pagsuspinde at posibleng ban mula sa site.

    Mga Patakaran sa Signature:
    Upang maiwasan ang papapapangit ng forums, ang lagda o signature ay mayroong sapat na lapad at taas. Kung ang signature ay hihigit sa pinahihintulutang sukat, ito ay tatanggalin nang walang paunang abiso.
    • Signature Max. size: 500 x 200 (px)

    Malugod na bumabati,
    Gamez Network Administration.
     
    lumadz, shablai and Patatas like this.
Thread Status:
Not open for further replies.

Share This Page