Loading...
  1. Dismiss Notice
  2. Dismiss Notice
  3. Dismiss Notice
  4. If this is your first visit, you may have to register before you can post: click the register link above to proceed. To start viewing messages, select the forum that you want to visit from the selection below.

Info Translation: Character Cube Issue (FIXES)

Discussion in 'Filipino' started by Kyungmi, Feb 26, 2016.

Thread Status:
Not open for further replies.
  1. Kyungmi

    Kyungmi ♥♥♥ Forum Legend

    Joined:
    May 20, 2014
    Messages:
    749
    Likes Received:
    1,176
    Trophy Points:
    358
    Magandang araw mga daeva!

    Alam natin na dati ay limitado lamang ang mga pagpipiliang solusyon sa nasabing problema na nararanasan ng mga lumang characters dito sa GamezAion. Ikinalulugod kong ipaalam sa inyo na si Lautaro ay nakahanap na naman ng isang solusyon para maresulba ang problemang ito.

    Simula ngayong araw na ito, kung kayo ay may isang karakter o mga karakter sa iyong account na kulang ang cube sa inventory, maaari lamang i-post dito ang inyong server name pati na rin and pangalan ng inyong karakter o mga karakter na kulang ang cube.

    Sa kabila ng mabilis na proseso sa pagresulba ng problemang ito, hinihingi namin ang inyong pasensiya sa paghihintay dahil maaaring maraming manlalaro ang mangangailangan ng serbisyong ito at maaaring abutin kami ng mahigit 48 oras.

    Pinapaalam namin na dapat ay OFFLINE ang inyong account para sa prosesong ito ngunit hindi ito nangangahulugang hindi kayo maaaring mag-log in at maglaro. Sisiguraduhin namin na ang inyong character o mga character ay offline habang ginagawa namin ang prosesong ito.

    Ito ay magbubukas ng 14 cubes. Nangangahulugan na:

    Cube 1 = 2
    Cube 2 = 4
    Cube 3 = 4
    Cube 4 = 4

    Format
    Server Name:
    Character Name(s):

    Dito sa thread na ito maaaring mag-post: http://forum.gameznetwork.com/threads/character-cube-issues-fixes.196221/#post-1950251

    PAALALA:

    • Ito ay para lamang sa mga lumang karakter (old characters) na kulang ang cube space kumpara sa mga bagong gawang karakter o mga karakter (newly created characters)
     
    Tykimik, Chiharu, Loki and 1 other person like this.
Thread Status:
Not open for further replies.

Share This Page